Anak(Original version)...
Freddy Aguilar(Philippines)
Nang isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang Nanay at Tatay mo'y
'Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
Sa gabi napupuyat ang iyong Nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo
Ngayon nga ay malaki ka na
Nais mo'y maging malaya
'Di man sila payag walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila'y sinuway mo
Hindi mo man lang inisip na
Ang kanilang ginagawa'y para sa iyo
Pagka't ang nais mo'y masunod ang layaw mo
'Di mo sila pinapansin
Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong, "Anak, ba't ka nagkaganyan?"
At ang iyong mga mata'y biglang lumuha
Ng 'di mo napapansin
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
This is a immortal song of Philippines by Freddy Aguilar,a legend singer in Philippines.When he entered the Metro Manila Popular Music Festival in 1978, Freddy Aguilar was almost completely unknown; within weeks he was possibly the best-known musician in Manila, and he has since consolidated that position to become the best known Filipino musician in the world. The song that took him to such great heights, heard for the first time at the 1978 competition, was "Anak," a folk-rock ballad sung in the local Tagalog language. It has since spawned 54 covers in 14 other languages."Anak"(Philippines word for child), became a worldwide hit and was translated into at least seven languages. Anak was also the theme tune for the Movie of the same name...A great song!
No comments:
Post a Comment